Hi, miss na kita.
Ilang araw na kitang hindi nakikita eh. Tapos pag nagkikita tayo, hindi man lang tayo nakakapag-usap. It's either nagmamadali ako o kaya naman may gagawin kang ibang bagay. Parang ayaw lang talaga tayo pag-abutin ng tadhana.
Alam mo yung feeling na hinahanap kita kahit alam kong wala ka naman talaga. Yung iniimagine ko yung mga moments na kasama kita. Lalo na nung field trip natin. Tapos naalala ko nung naglalakad ako pabalik ng room, galing canteen, nakasalubong kita. Nasa likod mo ang barkada mo. Di ko alam kung ano ba talagang nangyari. Sinalubong mo ako, derederecho ka ng lakad. Tapos niyakap mo ako, sabay bitaw. Di ko alam kung yakap nga yun. Basta natulala ako that time.
Ilang linggo na lang, wala ka nang training. Next week na ang provincial eh. Excited pa man din akong makita ka araw-araw. Nang biglang maalala kong may training nga pala ako. Two weeks. Wtf. Pihadong uninspired na naman ako.
Alam mo bang lagi kitang inaabangang online? Tapos pag-online ka na, di kita ma-PM. Nahihiya ako. Pero salamat naman ngayon at ikaw na mismo ang nagp-PM sa akin. Kahit papano, napapangiti ako.
Miss ko na yung asaran at kulitan. Miss na kita.
Alam mo yung alam na nung iba na ikaw ang mahal ko? Ang hirap pagtakpan eh. Ayokong malaman mo galing sa kanila. Gusto ko galing sa akin mismo. Pero masasabi ko lang yun kung.. magtatanong ka. Pero alam kong imposible yun.
No comments:
Post a Comment