Wednesday, September 21, 2011

Friends lang tayo. Friends pa din tayo. Hanggang friends na lang tayo. Siguro nga. Dahil alam ko namang kahit kailan, hanggang dyan lang din naman ang tingin mo sa akin. Oo, mahal kita. Kahit na alam kong iba ang mahal mo. Inaasar kita sa kanya para mapangiti kita. Kahit na nasaktan ako habang binabanggit ko ang pangalan nya. Kelan ba kasi magiging ako yun? Pero sabagay, sino ba naman ako sayo ano?

Pero salamat na rin sa kahapon. Nung sinabi nilang may lagnat ako, bago tayo bumababa ng bus, tiningnan mo nga kung may lagnat ako. Hinila mo ako tapos, nilagay mo ang kamay mo sa leeg ko at saka sa noo. Salamat dahil naramdaman ko na may care ka sa akin. Na concerned ka din kahit papaano sa akin. Ayos na sa akin yun. Tapos nung uwian at hindi ako makatulog. Nagulat na lang ako nung tinanong mo ako kung sinong nakaupo sa tabi ko, at nung sinabi kong wala, tinabihan mo ako. Nakahilig ka sa akin, habang nakikinig tayo ng music sa cellphone ko.  Pinahilig mo ako sayo. Nararamdaman ko na nilalaro-laro mo pa ang buhok ko. Di ko namalayan na nakatulog na pala ako. Tapos nung nagising ako, nandun ka pa rin. Syempre. Hindi ka natulog eh. Ang sarap sigurong isipin na binantayan mo akong matulog. Na niyakap mo ako. Pero ayoko rin namang umasa. Ayokong magpakatanga at tumulala sa kakaisip.

Basta ang alam ko, masaya ako dahil nakasama kita ng matagal kahapon. Dahil kahit papano, naramdaman ko na baka may posibility pa na mahal mo ako kahit ayoko namang umasa. Ayos na din naman yung ganto eh. Tutal, pag nalaman mo, baka lumayo ka. Mas mabuti pang hindi ko ipaalam sayo, at least nakakasama kita ng katulad ng ganito. Yung tipong kahit nakikita ng iba, hindi rin nila malalagyan ng malisya. Na ang lahat ay magkaibigan tayo. Magkaibigan lang tayo. Mas mabuti na yung ganto, at least masaya tayo kapag naguusap tayo, nagkukulitan at nag-aasaran. Sana lang, maramdaman mo na mahal kita. Hindi ko naman kasi hinihiling sayo na mahal mo rin ako. Kase wala naman akong magagawa kung iba ang mahal mo di ba? Ang akin lang, sana bago tayo magkalayo, malaman mo. Hindi ko kayang itago ito ng mahaba pang panahon. Hay. 

No comments:

Post a Comment