Saturday, September 24, 2011

Miss na kita. Alam mo yun? Nag-PM ako sayo kagabi sa Facebook, di ka man lang nagreply. Di ko alam kung sinadya mo o hindi lang lumabas yung message ko. Ewan ko, basta ang sakit nun ha. Alam mo yung feeling kapag binalewala ka ng taong mahal mo? Sakit ano? Oo alam ko, sobrang sakit. Leche ka, anong nangyare? Sabi ko na nga ba eh. Dapat dati pa lang, tinigilan ko na ang kahibangang ito. Sana hindi na lang ako nagkaroon ng feelings para sayo. Nasasaktan ako, pero di ako makapagreklamo. Ano nga naman ba ako sayo? Kaibigan lang. Kaibigan? Baka nga hindi na rin eh. :(


Putangaina, ang sakit magmahal. Lalo na kung hindi ka mahal nung taong mahal mo. Lalo na kung kaibigan mo pa yung taong mahal nya. Kung hindi man, sakit pa din. Basta, masakit talaga. Hayyyy! 

Friday, September 23, 2011

Bagong araw, bagong pinagseselosan, bagong sakit na nararamdaman. Umagang-umaga pa lang, sira na ang araw ko. Alam mo kung bakit? Para kasing may bago eh. Di ko sure pero basta, feel ko lang. Sakit lang. Akala ko merong spark between us dahil nung mga nangyare the past days, yun pala wala. Wala siguro, o wala nga talaga.

Tapos nung umiiyak ako kanina, ikaw ang ineexpect kong magcocomfort sa akin. Kung sakali nga, sasabihin ko sana sayo eh. Kaso hindi eh. Nawawalan na ako ng pag-asa. Gusto kitang i-unfriend sa facebook, ayaw na kitang pansinin sa school. Pero di ko kaya. Nasasaktan ako pag nakikita kong may ka-text kang iba at pag may kasama kang iba. Siguro nga mahalaga ka na sa akin ngayon. Pero sabagay, di ko matuturuan ang puso mo kung pano mahalin ang puso ko. Hay, I love you na lang ha. Ititigil ko na siguro ang kahibangan ko. I think, this is for the better. Sana nga.

Suko na ako. Tanggap ko nang hindi ako kailanman magugustuhan ng taong gusto ko. Tanggap ko na noon pa man na dahil mataba ako at panget, wala talagang maattract sa akin. I should stop na. Tutal, nasasaktan na din ako. Ayoko na. Hay.

PS: Wag kang magbigay ng motibo para mahalin kita ng sobra pa. Please lang, ayokong masaktan. Gusto ko na ngang mawala ang feelings ko for you eh. Pero di ko kaya lalo na't araw-araw kitang nakikita.

Thursday, September 22, 2011

Kanina, nakasama na naman kita. Kahit konting oras lang, napangiti mo ako. Alam mo ba yung feeling na napakasaya ko kapag kasama kita? Yung tipong ikaw lang talaga ang nakikita ko kahit na maraming taong nakapaligid sa atin? Napaka-ilusyonada ko naman ata. Pero, wala eh. Mahal kita.


Salamat nga pala sa simpleng yakap. Ewan ko kung ganon nga, pero basta. Parang ganon na rin yun. Alam mo, namiss ko yun. Di ko sigurado kung ano ba talaga ang nangyare kanina. Ang bilis eh. Nung umaga lang, di tayo nagpapansinan. Tapos nung tanghali naman, nakakatuwa naman, ikaw ang unang lumapit sa akin. Ang saya ko kanina. Tanggal ang pagod ko eh. Salamat ha. ♥

Wednesday, September 21, 2011

Friends lang tayo. Friends pa din tayo. Hanggang friends na lang tayo. Siguro nga. Dahil alam ko namang kahit kailan, hanggang dyan lang din naman ang tingin mo sa akin. Oo, mahal kita. Kahit na alam kong iba ang mahal mo. Inaasar kita sa kanya para mapangiti kita. Kahit na nasaktan ako habang binabanggit ko ang pangalan nya. Kelan ba kasi magiging ako yun? Pero sabagay, sino ba naman ako sayo ano?

Pero salamat na rin sa kahapon. Nung sinabi nilang may lagnat ako, bago tayo bumababa ng bus, tiningnan mo nga kung may lagnat ako. Hinila mo ako tapos, nilagay mo ang kamay mo sa leeg ko at saka sa noo. Salamat dahil naramdaman ko na may care ka sa akin. Na concerned ka din kahit papaano sa akin. Ayos na sa akin yun. Tapos nung uwian at hindi ako makatulog. Nagulat na lang ako nung tinanong mo ako kung sinong nakaupo sa tabi ko, at nung sinabi kong wala, tinabihan mo ako. Nakahilig ka sa akin, habang nakikinig tayo ng music sa cellphone ko.  Pinahilig mo ako sayo. Nararamdaman ko na nilalaro-laro mo pa ang buhok ko. Di ko namalayan na nakatulog na pala ako. Tapos nung nagising ako, nandun ka pa rin. Syempre. Hindi ka natulog eh. Ang sarap sigurong isipin na binantayan mo akong matulog. Na niyakap mo ako. Pero ayoko rin namang umasa. Ayokong magpakatanga at tumulala sa kakaisip.

Basta ang alam ko, masaya ako dahil nakasama kita ng matagal kahapon. Dahil kahit papano, naramdaman ko na baka may posibility pa na mahal mo ako kahit ayoko namang umasa. Ayos na din naman yung ganto eh. Tutal, pag nalaman mo, baka lumayo ka. Mas mabuti pang hindi ko ipaalam sayo, at least nakakasama kita ng katulad ng ganito. Yung tipong kahit nakikita ng iba, hindi rin nila malalagyan ng malisya. Na ang lahat ay magkaibigan tayo. Magkaibigan lang tayo. Mas mabuti na yung ganto, at least masaya tayo kapag naguusap tayo, nagkukulitan at nag-aasaran. Sana lang, maramdaman mo na mahal kita. Hindi ko naman kasi hinihiling sayo na mahal mo rin ako. Kase wala naman akong magagawa kung iba ang mahal mo di ba? Ang akin lang, sana bago tayo magkalayo, malaman mo. Hindi ko kayang itago ito ng mahaba pang panahon. Hay.